Featured Post

DATING KONDUKTOR NG BUS SA PILIPINAS, MAY-ARI NGAYON NG MGA PINAPARENTANG MAGAGARANG SASAKYAN SA AMERIKA! ANG KANYANG MGA PASAHERO-- MGA KILALANG HOLLYWOOD CELEBRITY!

 

DATING KONDUKTOR NG BUS SA PILIPINAS, MAY-ARI NGAYON NG MGA PINAPARENTANG MAGAGARANG SASAKYAN SA AMERIKA! ANG KANYANG MGA PASAHERO-- MGA KILALANG HOLLYWOOD CELEBRITY!

Ang kanyang isturya!
“Nu’ng bata ako, akala ko lahat ng tao ginagawa ‘yung ginagawa namin. ‘Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nu’ng napunta ako sa bahay ng kaklase ko nu’ng high school, nakita ko na meron silang couch. Maganda ‘yung lababo nila. Hiyang-hiya ako sa katayuan ng buhay namin noon. Doon ko na-realize na dapat akong magsumikap.
Naging konduktor ako. Sumusweldo ng 10-15 pesos kada araw. May naging kaibigan ako. Siya ‘yung nag-push sa akin na ‘wag mawalan ng pag-asa. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob gawin ‘yung gusto ko. Naghanap ako ng paraan. Sumampa ako ng barko. Hanggang sa nagkaroon ng oportunidad dito sa Amerika.
Sinugal ko lahat ng naipon ko para masimulan ‘tong business na ‘to. Sa awa ng Diyos, may mga tumatawag na mag-aavail ng car rental service. Nagkaroon ako ng pasaherong Hollywood celebrities, gaya nina Patti Austin, Simon Cowell at si Captain America Chris Evans!
Basta ‘wag kang mag-give up. Aim high.

Comments