Featured Post

THE GRAND CHAMPION OF PINOY BIG BROTHER OTSO SEASON 8 YAMYAM GUCONG, THE STORY OF YAMYAM GUCONG

The Grand Champion of Pinoy Big Brother Season 8! Yamyam Gucong... 

Si Yamyam Gucong ang hinirang na bagong kampeon ng Pinoy Big Brother Otso - Season 8! Nanggaling sa mahirap na pamilya sa Bohol. Si Yamyam ay hindi nawalan ng pag-asa sa buhay kaya nakamit niya ang panalo sa Pinoy Big Brother Otso, itong batang ito ang dapat tularan, na sa kabila ng kahirapan sa buhay ay hindi dapat susuko sa buhay, saludo po kami sayo Yamyam Gucong.



Ang tunay na pangalan ni Yamyam ay si William "Yamyam" Gucong. Siya ay may edad na 25 years old at nakatira sa Bohol. Nagmula sa mahirap na pamilya at sa murang edad ay huminto siya ng kanyang pag-aaral ng grade 5, para mag trabaho sa Cebu para makatulong sa kanyang pangarap.

Si Yamyam ay maraming napagdaanan na mahirap na trabaho sa Cebu tulad ng construction worker, car wash boy, house boy at naranasan din niyang mangalakal ng nawalan siya ng trabaho sa Cebu.

Si Yamyam ay bumalik sa pag-aaral ng grade 5 sa edad na 17 years old at hindi hadlang ang edad para makabalik sa pag-aaral. Kapag wala siyang pasok sa skwela ay sumasama siya sa kanyang amang nag kakarpintiro para maka tulong sa kanyang pamilya at matustusan niya ang kanyang pag-aaral.

Si Yamyam ay nangarap na makapasok sa bahay ni Kuya para maranasan niya kung ano ang buhay ng mayaman, kasi sa bahay ni Kuya ay may air-con at refrigerator, sa kanilang bahay ay wala kaya nag disisyon siya na mag audition siya sa Star Hunt ng Pinoy Big Brother para makapasok sa bahay ni Kuya.


Nang dahil sa kakulitan ni Yamyam ay napansin siya ng stuff ng Star Hunt at isa siya sa napili na makapasok sa bahay ni  Kuya. Siya ngayon ay ina-abangan na ng maraming taga hanga niya sa TV at social media ng dahil kanyang angking talino sa pagpatawa.
DMCA.com Protection Status

Comments