Featured Post

STORY ABOUT ANGELIE "LIE" REPOSPOSA



Angelie "lie" Reposposa sumikat siya sa tawag na mga netizens na "yes ma'am" noong sumali siya sa Tawag ng Tanghalan noon time show sa It's Showtime. Angelie Reposposa o tawag sa palayaw na "lie" siya ay galing sa mahirap na pamilya at murang edad nangarap na mag karuon sila ng magandang bahay, nahasa siya sa pag kanta ng dahil sa kanyang amang sumasabak sa mga amateur kuntis sa kanilang lugar Sa Tagum, Davao Del Norte at sa murang edad na 6 years old tinuruan na siya ng kanyan paano kumanta at doon nag umpisa ang mga pangarap niya sa kanyang pamilya na mabigyan ng magandang buhay.

Si "lie" ay pangalawa sa apat na magkakapatid siya ay 15 years old at murang edad sumasabak na siya sa mga amateur singing contest, lahat ng napapanaluna na mga cash prizes binibigay niya sa kanyang mga magulang para makatulong sa pang araw-araw nila na gastusin sa kanilang bahay. Nakailan din siyang nag audition Pilipinas Got Talent at hindi natanggap sa audition. Tuloy parin ang pangarap ni "lie" at hindi siya nawawalan ng pag-asa sa kanyang Pangarap ng magandang buhay sa kanyang pamilya at muli nag audition siya sa Tawag ng Tanghalan  sa It's Showtime at yon natanggap siya sa audition para mag represent sa Mindanao contender.

                              
Sa pag salang niya sa pag kanta sa intamblado ng It's Showtime, tuwang-tuwa ang madlang people at ang mga host at stuff ng It's showtime at yon na nga biniro siya ni Jhong nag ala Big Brother ang boses, akala ni "lie" yong ang tunay na Big Brother. Nong nakita niya si Jhong pala ang nag sasalita biglang nalungkot si "lie" pero dito pala ang umpisa ng kanyang karera sa pag pasok sa bahay ni Big Brother. Tinulungan siya ng host na si Vice Ganda at stuff ng It's Showtime para makapag audition sa Pinoy Big Brother na reality show ng ABS CBN TV channel.

Noong nakapag audition na si "lie" madaming netizens ang natuwa sa kanyang personality at inaabangan na siya palagi sa TV kung nakapasok ba siya sa Pinoy Big Brother at yon na nga siya ang pinili ng dating housemates ni kuya makapasok sa bahay ni kuya.

Bago siya natanggap sa Tawag na Tanghalan at naka pasok sa bahay ni Big Brother, marami siyang sinabihan na mga audition tulad ng "The Voice Kids", "The Voice Teens" at "Pilipinas Got Talent Season 6" pero hindi siya natanggap, pero hindi siya nawalan ng pag-asa tuloy parin ang pangarap niya. Iyon na nga at natanggap siya sa Tawag na Tanghalan sa It's Showtime at naka pasok na siya sa bahay ni Big Brother.
Sa pag pasok niya sa bahay ni kuya doon niya nakilala ang mga kapwa housemates at naging kaibigan niya na sina Josh Worsley, Art Guma, Seth Fedelin, Aljon Mendoza,Kaori Oinuma, Karina Bautista, Jelay Pilones at sa loob ng bahay ni kuya nabuo ang pag kakaibigan ng mga housemates at hinarap ang hamon sa loob ng bahay ni kuya.

Araw-araw siyang ina-abangan sa social media at TV ng kanyang mga tagahanga hanggang sa nakapasok nga siya sa "Big 4" kasama niya nakapasok na sina Kaori Oinuma, Karina Bautista, Jelay Pilones, hanggang ngayon ina-abangan parin siya sa kanyang mga tagahanga patungong tagumpay.
DMCA.com Protection Status

Comments